Ano sa tingin mo ang dahilan bakit madaming mahirap sa Pinas?
Recently, nakatanggap ako ng email from my online mentor about conducting a Survey Question sa groupo ng mga Filipino Entrepreneurs.
Tinanong sila about sa mga pananaw nila tungkol sa mga reasons kung bakit madami ang mahirap sa Pinas.
Eto yung mga naging sagot nila:
"Walang ambisyon sa buhay kuntento na kung ano ang meron"
...Harold
"Takot mag invest para sa kinabukasan nila, nanjan na lahat ng opportunity... Wala nganganga lang! Ayaw sungaban dahil takot sa halagang mawawala sa kanila sakaling i-invest nila ito, Dun lang lagi naka focus ang isip nila, basta pag may ilalabas or i-invest ayaw na nila agad sungaban ang oppotunity. Hangang dun lang ang isip nila. Ayaw nila isipin ang success na kalalabasan nito. Inisip nila agad lugi na sila simula palang. Kaya ayun... Walang asenso sa buhay, mahirap pa rin ''kung baga TAKOT SA RISK'''
...Miraluna
"Kaya maraming naghihirap kc umaasa sa tulong galingsa government! At wala clng bukang bibig kng ndi "bahala na"or "mamaya na"
...Faith
"Wala silang sapat na kaalaman sa financial education, kaya majority ay dumedende sa ating gobyerno."
...Paolo
“Karamihan kasi sa ating mga Pinoy, komportable na sa buhay-mahirap.
"Ganito lang talaga ako, dito lang talaga ako,
ito na kapalaran ko, kaya tanggapin ko na mahirap lang talaga ako" or
words to that effect. Iba ang mindset kasi ng 90% of Pinoys.
Pag sinabi mo sa kaibigan mo, "Gusto ko maging milyonaryo", usual reaction is "Ang taas naman ng pangarap mo kaibigan. Tanggapin mo na lang kung ano meron ka at matuto kang magpasalamat doon. Wag mo na pangarapin maging milyonaryo. " Believe me, most of the time eto sasabihin. Na para bagang isang napakalaking kasalanan kung may marami kang pera, na isa kang milyonaryo, o kahit mangarap ka man lang na maging milyonaryo. Kaya tayo di umaasenso.
Kung baguhin lang natin ating mga pag-iisip, na hindi masama magkaroon ng maraming pera, hindi masama ang umasenso, kasi magagamit
natin yun to bless others and to give hope to those hopeless. Money is a
blessing if we can bring heaven here on earth, so kahit anong mangyari,
I WANT TO BE RICH!”
...Arlene
“Bakit mayaman ang Pilipinas mahirap ang maraming Pilipino?Marami naman kasi ang taong tamad. Wala nang inisip kundi ubusin ang oras sa pagsasaya, sa pagtulog, sa pagpapahinga, sa pag iinom, sa pagtsitsimisan, sa pag lilibang pero walang ginagawa na productive effort. Proverbs 20:13 If you love sleep, you will end in poverty. Keep your eyes open, and there will be plenty to eat!”
...Ricky
“Living in a poverty mindset and misinformed about the opportunity that the internet can offer.”
...Edison
***May point naman talaga silang lahat tama ba? Ikaw ano sa tingin mo ang dahilan bakit madami ang mahirap sa Pinas? Pwede mong sabihin sa’kin kung ano sa tingin mo ang mga dahilan bakit madami ang mahirap sa Pinas.