LEARN HOW TO EARN EXTRA INCOME USING CELLPHONE AND INTERNET

Munggo VS. Mangga

"Munggo VS. Mangga"


Kanina, may nabasa akong blog about sa maling akala ng mga tao kung bakit sila nag-join sa MLM industry. Sa katunayan, isa ako sa mga taong ganoon din ang akala noong first time kong ma-discover ang MLM o network marketing, kaya naman agad akong sumali, without knowing deeply kung paano ko ba talaga gagawin nang tama ang networking. Pero ano nga ba itong maling akala na ito? Heto iyon, ang networking ay MUNGGO.


Bakit munggo? Simple lang. Ang thinking ng ibang tao sa networking, na kapag sumali sila, kikita agad sila nang malaki at magiging milyonaryo sa napakaikling oras. Many people join MLM because they think it’s a get-rich quick way to reach their dreams… Parang munggo lang na kapag itinanim mo, ilang araw lang ay pwede nang kainin. 


At sa nakikita ko, ito rin ang dahilan kung bakit maraming tao ang hesitant to join MLM, dahil sa pag-aakalang mabilis kang kikita dito ay nagiging "Too good to be true" na. Maybe dahil sa maling words o exaggerated na mga linyang binabanggit ng mga ilang networkers sa kanilang mga business presentation kung kaya't nagkakaroon ng misinterpretation ang tao about networking.

Well, kung patuloy mo pa ring maririnig sa ibang mga networkers ang ganyang paniniwala, o kaya naman ay isa ka sa mga networkers na ganyan ang itinatanim sa isipan ng mga sponsors mo, I'm telling you, MALI ITO! And it's our duty as networker or upline to educate them sa umpisa pa lang. Na hindi MUNGGO ang negosyong ito, kundi isang MANGGA.

Mangga ang networking… ibig sabihin itatanim mo, paaarawan mo… didiligan mo… kung minsan ay mahihirapan ka dahil sa mga bagyo… medyo maghihintay ka ng matagal… pero kapag tumubo na ang punong mangga at namunga na ito,  ang gagawin mo na lang ay mamimitas ka,  kumain ka hanggang gusto mo… at kahit busog ka na sa kakakain, eh mamumunga ng mamumunga pa rin ito…

At kapag ito ang ipinaintindi mo sa mga taong gusto mong makasama sa iyong negosyo, mas malaki ang chance na madali mong makikita kung sino ang qualified sa negosyo mo.




======================================
Learn How You Can Make MORE Money and Get MORE Results
Using Your Cellphone and Internet >>CLICK HERE