NETWORKING: Scam or Not?
Kaibigan,
alam mo ba kung ano ang "NETWORKING"? Kung narinig mo na ito mula sa
ibang tao na nakapunta na sa mga seminars nito, o kaya naman ay isa ka
sa mga taong naimbitahan na dito ngunit hindi pa talagang lubusang
naiintindihan ang konsepto nito, malamang ito ang unang una mong
masasabi, "Scam yan, pyramiding yan, recruit-recruit, at kung anu ano
pa." Sa katunayan, isa po ako sa mga taong noong una ay negatibo ang
tingin sa NETWORKING.
Bakit nga ba? Sa laki ba naman ng pwede mong kitain sa loob lamang ng
kaunting panahon ayon sa kanilang business presentation, ay talaga nga
namang napakahirap paniwalaan o "TOO GOOD TO BE TRUE", dahil na rin sa
hirap kitain ng ganoong halaga sa pagtatrabaho. Gayunpaman, ako ay
sumali sa kumpanyang di ko na babanggitin ang pangalan dahil na rin sa
kagustuhan kong kumita ng extra income at makatulong sa pamilya. At
dahil doon, napag-aralan at lubusan kong naintindihan kung ano talaga
ang totoong kahulugan ng NETWORKING. At iyan ang gusto kong ibahagi sa
inyo lalung lalo na sa mga taong di pa lubusang maunawaan ang konsepto
ng negosyong ito.
Ano ba ang NETWORKING?
Ang
Network Marketing o mas kilala bilang NETWORKING ay isang lehitimong
organisasyon kung saan ang mga produkto o serbisyong ino-offer nito ay
direktang inaalok o ibinebenta sa mga consumers mula sa manufacturers sa
pamamagitang ng network o grupo ng mga distributors. Ibig sabihin nito
ay sa mga distributors o myembro ng isang partikular na networking
company na direktang makakabili ang isang consumer kung saan di na
kinailangan pang pumunta sa mall o sa store.
Scam ba ang NETWORKING?
Ang
Network Marketing ay isang uri ng Direct Sales / Marketing, kung saan
ang konsepto at sistema nito ay legal at genuine. Nagiging controversial
lamang ito sa naiibang sistema ng kitaan na maihahalintulad sa "Chain
Distribution and Pyramiding Scheme".
Ang
Pyramiding ay isang non-sustainable
business model na nagsasabing kikita ang isang participant nang malaki
sa pamamagitan ng pagre-recruit o pagsasali sa ibang tao sa kanilang
organisasyon kung saan walang involved na sale of product or service to
the public. Ang mga Pyramid schemes ay mga uri ng fraud o scam at ito ay
ilegal sa iba't ibang bansa kabilang na ang Pilipinas. (http://en.wikipedia.org/wiki/Pyramid_scheme)
Paano malalaman na PYRAMIDING ang isang NETWORKING COMPANY?
Mayroong basic at simpleng basehan sa pagtukoy kung legal ang isang Networking
Company ;
- Mayroon bang products with real
market value at karapat dapat ba itong bilhin?
- Mayroon bang komisyong matatanggap sa sale of the products at hindi sa pag-recruit ng tao?
Ang
Direct Selling Association of the Philippines (DSAP) at Department of
Trade and Industry (DTI) ay nagsagawa ng 8 point rule sa kanilang
ANTI-PYRAMIDING CAMPAIGN upang malaman ang legitimacy ng mga NETWORK
MARKETING operations. Kung ang sagot sa mga tanong sa taas ay oo, ibig
sabihin ay siguradong ang Business Model na ginagamit sa pagbabayad ng
komisyon ay legal at lehitimo at sumusunod sa mga patakaran ng DSAP at
DTI. Narito ang inyong mga dapat tandaan:
1. Is there a product?
2. Are commissions paid on sale of
products and not on registration/entry fees?
3. Is there intent to sell a product
not a position?
4. Is there no direct correlation
between the number of recruits and compensation?
5. If recruitment were to be stopped
today, will the participants still make money?
6. Is there a reasonable product
return policy?
7. Do products have fair market
value?
8. Is there a compelling reason to
buy?
Don't worry, wala namang pumipigil sayo
na mag-research ng sarili mo kung hindi ka pa kontento sa mga nabanggit. Pero dahil alam ko na ang iba mo
pang iniisip, heto at ipapaintindi ko sa'yo ang totoong
Konsepto at Aspeto ng Networking. Pero bago yun, gusto ko munang
ipa-alala sayo na ang Networking ay isang uri ng NEGOSYO. So, once na pumasok ka sa isang
Networking Company ay ISA KA NANG NEGOSYANTE.
Oo, tama ang nabasa mo. Mamaya ay ipapaintindi ko sayo kung
Bakit at Paano nangyari yun..
Ano ba talaga ang Konsepto ng
Networking? Ang Networking ay hindi nalalayo sa
mga malalaking kumpanya at korporasyon sa bansa. Para mas maintindihan mo, bibigyan kita ng example. Sigurado akong pamilyar ka sa
Uniliver, Proctor and Gamble, Purefoods, San Miguel, Etc. Anong ginagawa nila para mabilis
mabenta ang mga PRODUKTO nila? Simple lang, pinapa-endorse nila sa
mga Malalaking Media Stations at Sikat na Tao o Artista.
Tanong: Saan nila kinukuha ang
Pambayad sa Milyon-Milyong Advertisments at Endorsers? (Artista) Syempre sa atin! (Consumers)
Example: Ang isang Sache ng Shampoo
ay nagkaka halaga ng P1 pero pag binili na natin ay P5 na. Ibig sabihin, tayong mga Consumers
parin ang nagbabayad ng Advertisement Costs nila..
Gaya nga ng sabi ko kanina, ang
Networking ay katulad din isang Malaki at kilalang Korporasyon sa bansa. Pareho silang Negosyo at may
Produkto. Ang malaking pagkakaiba lang ay ang
Advertisements at Endorsers.
Dahil ang nag-aadvertise at
nagbebenta ng mga Produkto ng isang Networking Company ay ang mga MEMBERS nito.
Pwedeng-pwede mo din namang gawin
ang mga strategy na yun para mas mabilis kang maka benta ng Produkto mo, Tama?
(Dahil pag walang Benta, lugi ang Negosyo mo.) Imaginin mo nalang kung ikaw ang may
ari ng isang Networking Company. Pwede ka din naman magpa-advertise at
magbayad ng Milyon-Milyon sa mga Artista like Angel Locsin, Dingdong Dantes,
Etc.. O kaya naman ay sa Media like:
ABS-CBN, GMA 7, TV5, sa mga Radio Stations, Dyaryo, Magazines, Etc..
Pero pansinin mo, bakit kaya hindi
ginagawa yun ng mga Networking Companies?
Simple lang.. Dahil imbes na
ibayad nila yung Milyon-Milyong Endorsement Fees sa mga Artista at Media
Stations (NA SILA NALANG LAGI ANG KUMIKITA AT YUMAYAMAN)
HINAHATI-HATI NALANG NILA YUNG
MILYON-MILYONG ENDORSEMENT FEE NA YUN SA ATING MGA ORDINARYONG TAO..
Para matulungan tayo na mabigyan ng
Pagkaka-kitaan. Kasi sa Networking WALANG
DISCRIMINATION! Bata, Matanda, may ngipin o wala,
PWEDE!
Eh sa pag-eendorse at pagmo-model ba
ng produkto, pwede ba yun kahit anong klase ang pagkatao mo? Pwede ba yun kahit hindi kagandahan
ang itsura mo? May chance ka pa kaya dun kapag
matanda ka na? Alam mo na ang sagot dyan..
Isa lang ang gusto kong ipa-intindi
sayo dito, ang Networking ay OPPORTUNITY PARA SA LAHAT NG TAO.
Dahil sa Networking WALANG
PINIPILI! Mayaman o mahira, graduate o hindi, matalino o hindi, bata o matanda. Kahit na ano pa ang pagkatao at
kasarian mo, PWEDENG-PWEDE KA DITO!
Anyway, para sa next part ng ating
lesson about Networking ay ito..
1. "Kaya lang naman kayo
nagre-recruit para kumita kayo eh.."
2. "Ayokong mag Networking kasi
Recruit-Recruit yan, pinagkakakitaan nyo lang kami or ang mga Tao na
nagpapa-member sa inyo.."
Sigurado ako na alam na alam mo ang
mga linya na yan. (dahil malamang ay isa ka rin sa mga nagsasabi nyan..?
hehehe :))
Pero don't worry, dahil
naiintindihan ko naman kung Bakit at Paano nasasabi ng mga Tao ang mga linya na
yan..
So, BAKIT NGA BA KUMIKITA SA
NETWORKING ONCE NA NAG-RECRUIT KA? Simple lang ang sagot! DAHIL NAKA BENTA KA NG PRODUCT
PACKAGE NG COMPANY..
Sa papanong paraan? Diba once na may nag Pay-in o Sumali
ang bawat isang kakilala mo sa isang Networking Company ay mayroon sila ng
babayaran na amount at may kapalit na Product Package yung pera nila? (PAG WALANG PRODUCT PACKAGE ANG
ISANG COMPANY, ILLEGAL YUN! PYRAMIDING o PERA-PERA LANG..)
Ibig sabihin, NAKA-BENTA KA
NG PRODUCT PACKAGE SA MGA KAKILALA MO at DAHIL DUN AY NAKAPAG PRODUCE KA NG
SALES SA COMPANY. "KAYA DAPAT LANG NA BIGYAN KA
NG COMPANY NG COMMISSION o KITA.."
Ikaw ang sumagot, MARANGAL BA NA
HANAP-BUHAY YUN? Para mas maintindihan mo, halimbawa ay Ahente ka ng mga Kotse,
diba kaylangan mo munang MAKA-BENTA ng Kotse bago ka magkaron ng Commission?
Pangalawang Halimbawa: Nagtatrabaho
ka sa Jollibee (Cook) hindi bat NAKA-BENTA ang Jollibee dahil nagluto ka ng
masarap na masarap na Fried Chicken?
In short, sa lahat ng ginagawa natin
ay NORMAL NA MAY KUMIKITA DAHIL SA ATIN..
Uulitin ko ulit yung tanong ko..
MARANGAL BANG NEGOSYO ANG
NETWORKING?
Pero marami parin talagang Tao ang
ayaw sumali sa Networking dahil ang Networking daw ay RECRUIT-RECRUIT. AYAW TALAGA NG TAO NG RECRUIT-RECRUIT. (PYRAMIDING
DAW..)
Tanong ko Sayo.. Ano ba ang masama sa
"Recruit-Recruit"? Ang sarap nga ng recruit-recruit
lang eh.
We are building a team with same
Goal.
We are building a team with same
Mind-set.
We are building a team who loves
Success.
So kung ayaw mo parin ng
Recruit-Recruit? Okay lang..
If I know, ikaw mismo naghahanap ka
pa ng Recruitment Agency para makapasok ka ng trabaho. Alam mo ba magkano kinita nun
Recruitment Agent na nag-hire sayo para ipasok ka sa trabaho na gusto mo? Around 1k - 1.5k Pesos lang naman..
Ultimo yung HR ng kumpanya na
pinapasukan mo ngayon, ano ba ginawa nila para makakuha ng mga empleyado na
ipapasok sa company na pinapasukan nila? Diba, THEY RECRUIT people
like you..??
That's life. WHETHER YOU LIKE IT OR NOT, "RECRUITMENT IS PART OF ANY
INDUSTRY."
Sa kabilang side naman tayo..
What if Negosyante ka?
Example; May-ari ka ng isang Malaking Restaurant.
Tanong: Pwede ba ikaw lang mag-isa
ang magpatakbo ng Negosyo mo?
Pwede bang ikaw din yung
Waiter/Waitress?
Pwede bang ikaw din yung Cashier?
Pwede bang ikaw din yung Cook?
Yung Manager? Yung Accountant?
Diba magre-recruit o Kukuha ka din
ng Tao na magta-trabaho para sa Restaurant mo? Sila ang magta-trabaho para sayo,
pero kahit na anong Sipag at Tyaga ang gawin nila, hinding hindi nila
mapapantayan ang kinikita mo. IKAW ANG YAYAMAN. (Dahil Ikaw
ang May-ari ng Negosyo.)
Ganun lang din sa Networking,
magre-recruit ka din ng tao. Pero para tulungan mo at
bigyan ng chance or Opportunity yung Tao, at kapag nag-sipag yung tao
na kinuha mo ay malaki ang chance na kumita sya ng malaki at mas yumaman
kesa sayo na mas nauna..
Alam ko nagdududa ka dahil ang
paniniwala mo lagi ay yung mga nasa taas lang ang laging kumikita at yumayaman
sa Networking, pero depende din kasi sa Compensation Plan yan..
I sugguest na PAG ARALAN MONG MABUTI
ang Compensation Plan/ Marketing Plan ng Company mo.
Besides, marami akong kilala na bago
pa lang sa company pero inabutan, napantayan, at nalagpasan pa yung mga mas
nauna pang member sa kanya.
(Kaya hindi totoo yung nauna at
nahuli. Depende nalang sa Sipag at Determinasyon mo yun..)
Marami kasing tao, ilang Months or 1
year pa lang sa Company nya, (ang worse ay HINDI PA NGA KASALI) pero kinikumpara na kaagad yung
resulta nya dun sa mga naunang members (TOP EARNERS)
Unang tanong ko sayo: Tinatrabaho
at Hinihigitan mo na ba yung Sipag at Tyaga ng mga Top Earners para Maabutan at
Mahigitan mo yung kinikita at resulta nila?
Pangalawang Tanong: Alam mo
ba kung anong hirap ang pinagdaanan ng mga yan bago sila makarating sa kung ano
man sila ngayon?
Kung kakilala mo at nakita mo kung
paano sila nagsisimula, Good for You..
Pero kung hindi naman, tanungin mo
muna sila kung gaano kahirap at gaano kadaming Failures at Rejections ang
dinaanan nila bago sila naging Successful..
(Tsaka mo i-compare ngayon yung
experiences at resulta mo, sa experiences at resulta nila..)
"BONUS LANG TALAGA
YUNG "INCOME" or "BUSINESS PART " once na sumali ka sa
isang Networking Company.
Kasi kung iisipin mong mabuti, diba
BUMILI ka lang naman ng PRODUCT PACKAGE / SERVICES ng Company?
Ngayon tanungin kita.. LUGI KA PA BA
SA PERA MO o HINDI? SCAM parin ba yun??
Maraming Salamat sa oras na ibinigay
mo sa pagbabasa ng blog na ito, sana ay marami kang natutunan at naiintindihan
mo na ngayon kung Ano ba talaga ang Network Marketing, at sana din ay malaki
ang maitulong sayo ng mga nabasa mo dito..
Ngayon,
kung naiintindihan mo na nang lubusan ang NETWORKING at interasado kang
magsimula ng ganitong negosyo, PWEDE kitang tulungang gawin ang
business na ito in our team. Ang qualification lang naman dito ay ang
WILLINGNESS TO LEARN & RIGHT ATTITUDE. Kung tingin mo qualified ka,
go ahead and click the LINK BELOW...